Wednesday, March 16, 2011

Bawal Tumawid May Namatay na Dito

Ang sabi nila ang "It is OK to fight and to lose than to lose not even trying"., Kung May isang Tao Man na Hinahangaan ko nang Husto Si Ninoy un., Maliban kay Rizal na sya na yata na pa ulit ulit na gingawan nang Documentary ang Buhay.. Pa ulit ulit pina aalala sa lahat na sya ay isang Bayani... Pero kung ako lang ang tatanungin may mga bagay na Higit pa sya kay Rizal. Kung palayuan din lang naman ang narating Di Hamak na mas malayo ang narating ni Ninoy, Nakarating sa America si Ninoy Samantalang Hangang Europe lang si Rizal, At kung Value lang din naman mas mataaas ang Value ni Ninoy kaysa kay Rizal. Php 499.00 na mas mataas ang Value ni Ninoy...Kung May bagay na parehas man sa kanila parehas silang nag "Suicide".. SUICIDE- it one taking his own life... pero ano nga bang pinag ka iba nun sa alam mong mamatay ka kung gagawin mo un pero Ginawa mo pa din.. Ninoy Even said He was Ready to Die, He knows Once He step on the Philippines He would be assassinated.. Pero Ginawa pa din nya.. Na isip ko lang., May mga kalsada na may naka paskil na  "BAWAL TUMAWID MAY NAMATAY NA DITO"., Pero may mga tao pa ding tumatawid ang iba swerte ang iba malas... Pero isa lang ang ka totohanan.. Maari kang mamatay. May footbridge naman diba.. un nga lang malayo. At kung pagod ka nang mag lakad kasi pa ulit ulit na un nalang ginagawa mo... Minsan nasa harap mo na  "tatawid ba ako o Hinde"... Average Lane Size ay 12-11f kung may 6 lane ung High way 72-66f lang nakaka rating ka na sa kablilang side. Hinde mo na kaylangan mag hanap nang footbridge, minsan nga ang hirap hirap mag hanap nang footbridge... nakakapagod nakakasawa.... Ewan siguro nga isa lang ako sa pilipino na nag iisip na sana Ninoy never Cross the Road...  Tama sya.. His Death begins a Revolution, It wake up a lot of Pilipino people.. At maaring mali ako.. Kung may isang tao man na di ako kilala na pwedeng naka bago sa takbo na buhay ko sa ngayon si Ninoy un.. Di pa din ma aalis sa isip ko.. paano kung di sya namatay... Bakit di nalang sya nag footbridge... mas malayo mas matagal pero at least mas makakatawid sya nang safe... na niniwala pa din ako na Mas may nagagawa ng buhay kaysa sa patay....Pero ano nga bang pwedeng mangyari kung Nakatawid sya nang mas matagal.. Na isip ko lang kung nabuhay sya.. sya ang naging presidente natin Hinde si Cory., Na sana walang mga Heneral na nang papangap na makabayan pero may sariling Agenda.. Maari iba ang Pilipinas ngayon.. Marahil di naging presidente si Gloria, At marahil mas malaki ang kita nang mga magulang dito sa pilipinas kung saan wlang, Ama, Ina, Kapatid na kina ilangan mangibang bayan. Sana Lumaki akong Nasa tabi ko ang aking Ina., Mas alam ko sana ang mali sa tama.. Natakot din ba sya? na mas pinili nyang Mamatay kaysa mabuhay... Natakot ba sya sa tulad ko.. Natakot ba syang Subukan at Mabigo... maaari din ba syang lamunin nang sistema... Tama! mali ako.... Di dapat ako mabuhay sa sana.... Wala dapat sisihin walang dapat ipag hinayangan... Di ko man alam kung anong meron Bukas... Gigising pa din ako....

No comments:

Post a Comment