Tuesday, May 10, 2011

Pangalawa


2
I’m a second child living in a second life(sabi nang nanay ko Blue baby daw ako second life ko na nga ito)… kapalaran ko bang maging pangalawa. Never in my entire school life naging una ako, Elementary Section 2 at pag dating nang High School Section B ako., Natatakot ba akong maging Una o di ko lang talaga kayang maging Una… May dalawang teacher nag sabi sakin na magaling  daw ako. Grade 6 math teacher- Alam ko ako ang favorite nyang student… ako lang yata ang di takot sa kanya sa buong Class namin., di ko rin alam kung bakit di ako takot sa kanya., siguro dahil sa lahat nagging teacher ko sa elementary sya lang na iintindihan ko., Na alala ko sinama nya ako sa mag e exam sa Phil Sci., iilan lang kaming section 2 nuon na sinama… Ni hinde ko man lang napasa ung 1st screening, at dun ko nalaman na di talaga ako magaling.,  2nd Year High School Math Teacher- 1st grading exam., nagulat ako., ako una nya tinawag., sabi nya sa buong 2nd year na tiniuturuan ko alam mo bang ikaw sana naka kuha nang perfect score., Di ko pa din alam ibig nyang sabihin, Sobrang saya ko na nuon na highest ako. Bihira lang mangyari sa buhay ko un., pagkatapos nang class nya kina usap nya ako., Pinakita nya sakin kung saan ako nag kamali., Na kakatawa kasi hinanap din nya kung bakit mali sagot samantalang tama naman solution ko sa last solving problem., At na kita nya. Na iba ko pala ung arrangement nang number sa second line nung solution. Pero kung tutuosin tama ung sagot ko., Tanga lang talaga ako. Pag graduate nang High School alam ko na talaga gusto ko kunin na kurso pero pinili ko pa din ung second option, ang sumunud nalang sa magulang ko. At dinala ko un hangang college, Na alala ko sabi nung isang Teacher sakin pag katapos kong humingi nang second chance kasi alam ko ibabasak nya ako,  Why you always second guess yourself, do you know when I put you in that group I thought you will take the lead, but instead you just let yourself be a follower, so don’t blame me for the grouping blame yourself you don’t even try hard enough,   Umalis ako nun thinking uulitin ko nalang ung subject, na gulat din ako nun nung nalaman kong nakapasa ako. Thinking it again, I never aim to be first in my entire school life, Nag aaral lang ako para makapasa, sapat na sakin pumasa. My second Job, ang tagal ko din dun, di nga ako pangalawa nag iisa naman ako.  At habang tumatagal tumatanda din ako, tumatanda di ko pa din alam dapat kung ano dapat kong unahin. Pero kung may second chance pa ulit, pipilitin ko na, pipilitin ko nang maging una, pipilitin ko nang gawin lahat nang pwede kong gawin. Kasi ayoko na umulit, tama na ang isa lang… at ang buhay ay iisa lang. Isang buhay lang nilaan sa bawat isa, at pag nawala, wala na talaga.

No comments:

Post a Comment